Relasyon ang pinasok niyo at hindi trabaho. Hindi kailangan ng rules. Kailangan lang, tanggap niyo ang isa't isa.
Dahil unang una sa lahat, wala kang karapatan na baguhin yung karelasyon mo. Gago ka ba? Mahal mo dahil sa kung ano siya. Bakit kailangan mong bahugin kung sino siya?
Alam niyo yung typo na:
Kahit ano ka, kahit ganyan ka, kahit putang ina ka, kahit mabaho paa mo, tanggap kita at mahal kita.
Ang tunay na pagmamahal, hindi nasusukat ng ruler o kung ano pang shits ng standards mo. Hindi mo pinipilit ang pag ibig kaya putang ina ka, pakiusap, wag mong pagbaguhin ang taong mahal mo dahil kapag nagbago yan, magbabago na rin ang pag tingin niya sayo.
Hindi kailan man naging kompetisyon ang pagmamahal. Pero, may mga oras din naman na maaring masabi mo na concerned ka lang sa mahal mo. Katulad na lang siguro na kapag nalaman mong nagyoyosi o madalas na lumaklak ng alak na hindi mo naman ginagawa. Wag mo siyang uutusan. Paalalahanan mo lang siya. Alalahanin mo, kaagapay ka niya, kakampi, hindi ikaw ang leader, hindi ka boss. Patunayan mong may friend sa pagiging girlfriend o boyfriend.
At eto ang pagibig shit ni Wapak.
Kung may bagay kang gustong gawin habang nasa relationship ka, isipin mo muna na..Isip > Gawa.
kung gagawin niya ba 'to, magagalit ako sa kanya?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento