Bale, ako si M. Mariano kasi pangalan ko kaya M na lang itawag niyo sakin. Ang pangit naman siguro na habang nagsesex tayo, isisigaw mo yung Mariano,diba? Baka sumulpot na lang bigla yung lolo ko na kapangalan ko. Sumalangit nawa. Magalit ka pa sakin dahil baka may dala siyang camera at bitinin mo ko sa gitna ng init.
Anyways, bakit nga ba nagkwekwento? Ang pagkakaalam ko, aalis ako ngayon e! Pero sige, para sayo. Itutuloy ko na…
Bale, makikipagkita ako ngayon kay B3. Oo. Codename na lang dahil ang haba ng pangalan niyang Veronica. Oops.
Veronica Gatchalian, 22, 5’8’, Freelance artist, model, taga Valenzuela. Paano kami magkikita? Dadayuhin niya ko rito sa Maynila! In demand kasi kagwapuhan ko at meron akong tattoo kaya astig ako! Woo!
Nagkakilala kami sa isang car show. Ginawa kasi akong driver nung kaibigan ko. Ako na yung nag presenta nung kotse niyang kargado ng sandamukal na speakers, stickers, glow sticks, speakers, lcd screens, ambi lights, speakers, stereo at marami pang iba. Sinuggest ko nga sa kanya na mag pa mount na siya ng machine gun sa bubong. Pag iisipan daw niya.
Dahil aminado naman siyang mahina siya sa pakikipagtalastasan, ako na rin ang kinasosyo niyang magyabang ng oto niya.
Hindi ko rin maintindihan ‘tong kaibigan ko, gusto niyang makilala sa kung anong meron siya, pero, masyado siyang mahiyain. Sa amin lang na mga kaibigan niya eh dun talaga siya nagsasalita.
Ang dami ko nang nasabi. Basta, nagkakilala kami ni B3 nung nagasgasan niya yung kotse na dala namin nun. (Nagasgasan niya kasi natisod siya habang naglalakad at napangtukod niya yung kamay niyang may suot ng ga-posas na pulseras.) Dahil maganda naman siya, pinalagpas ng kaibigan ko. Pero, ako yung umalalay. Bale sabi ko..
“Miss alam kong hindi ka okay pero gusto mo ba maging okay?”
Natawa siya at abot abot ang paghingi niya ng sorry dahil nagasgasan niya ang kotseng pag aakala niyang akin na inangkin ko na talaga nung tanungin niya sakin kung sa akin yun.
Walang anu-ano ay nakuha ko agad ang number niya. Kung anu-anong pambobola ang ginawa ko at tawa naman siya ng tawa.
At dun kami nagkakilala. Magkwekwento na lang ako mamaya after ng date namin. Alis na ko!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento