Martes, Oktubre 22, 2013

Huwebes, Agosto 15, 2013

Bump Car: Prolouge

Oo. Snatcher ako. Magnanakaw. Kawatan. At oo, mabilis ako tumakbo pero mas mabilis dumating sa akin ang gutom. Kabisado ko ang pasikot sikot ng mga lugar na nagmistulan nang palaruan para sa mga katulad kong dukha.
Pero sa oras na ito, ako ang naghahabol. Dahil ngayon, ako naman ang nahablutan; nanakawan. Natuliro ako, natulala at nagulat. Dahil bigla bigla na lamang siyang dumating. Pinagpawisan ako ng malamig at dumami ang daga sa aking dibdib.
At ang kawatan? Hindi kayang hulihin ng pulis o kung sino mang may kapangyarihan. Dahil kakaiba ang takot na dala niya. Pero kilala ko siya… Kilala ko siya! Yung anak ng kagawad. Si Elsa.

Biyernes, Pebrero 1, 2013

Sino ang sino?


"Aba eh puta bakit ang lakas ng hayop?" Ika niya.

"Ganun talaga eh. Wala tayong magagawa." Sabi ng kasama niya sabay sindi ng yosi.

"'di eh. Nagagawa niya yung ganun. Ano yun? Lakas lakasan na totohanan?" Sagot niya.

"Lakas lakasan na totohanan? Ano yun?" Tanong ng kasama niya.

"Yung kunwari, malakas. Pero yung totoo mahina talaga. Parang mentos. Matigas sa labas, malambot sa loob. Ganun." Sagot niya.

"Mentos? Oo. Kulay mentos din naman siya e. Nahulog nga lang sa pagkakabukas galing sa balot." Dagdag ng kasama niya.

"Oo. Tapos in-apply yung 5 second rule." Sabi niya.

"Eh wala tayong magagawa. Kahit anong dumi ng isang bagay, malinis pa rin yung para sa ibang dukha. Ika nga nila, may pera sa basura." Sabi ng kasama niya saba'y upo sa gutter.

"Sana gawin niya rin yung tapat ko linis ko project ni Chairman 'no. Mag mass suicide sila ng lahat ng kasama niya. Tutal, pareparehas lang naman silang basura na nagpapanggap na pwede pa silang ibenta sa halagang isanglibo isa. Eh pang singkwenta pesos lang din naman sila." Dagdag niya.

"Paano yung mga kasama niyang plastik?" Tanong niya.

"Edi sila yung gawing pambalot. Tutal, para namang lumpiang hubad itsura ni mentos e." Sagot ni Rudy.

"Tahan na, Rudy. Wag ka umiyak." Biro ni Rudy.

Huwebes, Disyembre 13, 2012

Ang unang sigaw ng pugad ni lawin (true love life story ni Wapak)

Biyernes. Dapit hapon. Alas kwatro y Medya. Maalinsangan. Limang araw matapos ang araw ng mga puso.

Naglalakad ako patungo sa bilihan ng mga bagay na pwedeng gawing palamuti para sa scrap book na pinapaproject sa amin ng aming pilay na guro. Kung hindi makakapag pasa, bagsak ka sa Filipino na itinuturo niya sa amin.

El filibusterismo nga pala ang magiging laman ng scrap book ko. Ibubuod ang bawat kabanata at mag lalagay  ng mga aral na natutunan sa kabanata. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang pahirapan ang mga estudyante sa hayskul sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito. Marahil gusto ng mga guro na matuto ang mga estudyante nang hindi sila nagtuturo ng maigi. O baka ganito lang talaga dahil sa public school ako nag aaral.

El fili lang halos laman ng utak ko ng mga oras na iyon. Wala sa isip ko ang syota kong umuwi na dahil komo galit sakin dahil may ginawa nanaman daw akong kagaguhan. Mayroon akong kasama noon. Kaklase at kalapit ko ring kaibigan na madalas ko kasamang mag cutting. Bibili rin siya ng mga bagay na ilalagay niya para sa scrapbook.

Nagtataka lang ako. Bakit tinawag na "scrapbook" ang scrapbook kung ang nilalagay dun ay binibili para gumanda ang laman? Scrap nga tapos maganda? Edi dapat magaling ang mga basurero at mga nangangalakal ng bakal at plastik sa "scrap booking" dahil sila ay may talent sa pagtingin ng mga mapakikinabangang scrap.

Nakarating kami sa pintuan ng tindahan. Akmang hahawakan ko ng pinto ng bigla itong bumakas. Tinamaan ang kamay ko kaya nagmadali na lang akong pumasok.

Alam kong nabangga ko ang nagbukas ng pinto sa pagpasok ko. Nagulat na lang ako nang biglang may humili sa buhok ko. Lumingon ako. Akala ko yung kasama ko ang gumawa sakin dahil kung sakali ay maliligo siya ng mura mula sakin.

Nakita ko ang nabangga kong "ate" . Nagsusungit sa kasama ko habang inaabot niya sa kanya ang mga nahulog na gamit na hawak niya.

Base sa uniporme at dala niya; Tube na itim, lalagyan ng T-square, architecture ang course niya. Pagkatapos kong mapansin iyon dalidali akong pumasok paloob sa tindahan dahil nakita kong may sumunod sa kanyang tatlo lalaki. Kahit sabihin mong papayat payat sila, malaki sila sa akin para sa taas kong... sabihin na lang natin na kasing taas ko ang taas ni "ate".

Pumasok ang kaibigan ko at sabi niya sakin..

"Gago ka talaga."

Ngumisi lang ako. Sinundan ko lang ng tingin si "ate."

Lunes, Nobyembre 19, 2012


So, nakita ako ng prof ko kanina sa (tang ina di ko alam kung anong subject yun basta rooms division ata ewan basta may design ekek) na nagkakalikot ng phone ng may phone.
Tinanong niya kung ano yung ginagawa ko.
“Naglalaro ako ng logos quiz, ser.”
Gusto ko sana sabihin. Pero, ramdam ko na bad vibes siya kaya binigyan ko siya ng Generic na sagot.
“Nagnonotes po sir.” Sabay turo sa whiteboard.
Hindi daw ba pwedeng sa papel na lang daw ako magsulat. Buti na lang, hindi siya lumapit para tignan na nagnonotes nga ako sa phone ng may phone.
Pagtapos nun, nakita niya ako ulit, nakangiti dun sa may ari ng phone. Naimbyerna nanaman ang lola mo~ Isa na lang daw.
All throughout the discussion, nakinig naman ako sa kanya at nakasagot naman ako sa tanong niya sakin bago pa ko mangalikot ng phone ng may phone. Hanggang sa nakita niya yung mga katabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila pero nagalit yung prof naming beki.
Tinawag niya yung isa at tinanong niya kung ano yung ginagawa niya sa upuan.
“Nagsusulat ser. Ng notes”
Sa isip isip ko, “‘tang inang ‘to, gaya gaya.”
“Tska nakikinig ser.”
Dagdag niya.
Tinanong siya ng bagay na kasama sa lecture ng prof namin at di siya nakasagot. Mga limang minuto siyang nakatayo sa tabi ko. Hanggang sa.. *dun dun, dun dun, dun dun.”
“Get one whole sheet. Sagutin niyo ang tanong na ito. Why and how can you use Planning? Minimum of 15 sentences. Kapag nagkulang ng isa, zero ang score.”
Natawa ako. Bakit? Dahil una: Essay writing? Hinamon niya kami sa essay writing? Eh shit ko ang writing! At pangalawa: Nakinig kaya ako.
Nagsimula ako agad sa pagsulat ng shit ko at naalala ko ulit ang words of wisdom sa akin ng paborito kong english teacher nung highschool..
“When writing an essay, you should start with a good intro and a good closing sentence. Don’t start an essay with “Because” that will sound like bullshit.” Actual words (Joke lang, dinagdag ko lang yung because kasi nalimutan ko kung ano yung sinabi niya talaga na tunog bullshit)
Sinimulan ko yung paragraph ko ng “Being a…” at tuloy tuloy lang ako sa pagsulat hanggang makaabot ako sa bandang babang dulo ng papel at nakita ko ang prof namin na nasa tabi ko.
“Anong pangalan mo?” Sumagot ako. Tapos tinanong din yung mga kasama ko sa linya ng upuan. Ako? Sulat pa rin.
Bumalik siya sa kinauupuan niya at nagpautot pa ulit siya.
“Marcos.. Garcia.. (Yung apilido ng iba) galingan niyo yang essay niyo.”
Natawa nanaman ako. Bakit? Kasi, isang sentence na lang, tapos na ko! Yung iba, naghihikos pa sa pagsulat.
Nakita ko na nakatingin siya sakin at alam ko na alam niya na alam ko na nakita ko siya. Nasa bandang gitna na nga pala ako ng papel at nagputot nanaman siya.
“5 minutes.”
Ang pinaka generic na panakot ng propesor sa mga istudyanteng nakikitang niyang nakatingala, lumilingalinga at sa mga mukhang (tulad ng sakin) naabalibadbaran siya.
Imagine, kalbo ako, nakatingin ako sa papel ko at galit na galit ako sa papel ko at patuloy lang ako sa pagsulat. Ramdam niya na hindi siya threat para sakin. Natatakot siya na baka maisubo niya pabalik sa kanya yung mga pananakot na ginagamit niya sa mga normal na estudyante. Malas niya, abnoy ako.
“2 minutes.”
Pananakot niya.
Nung mga oras na iyon, nasa ika-labing apat na linya na ako ng sinusulat ko. Pero sabi niya, iba raw ang linya sa sentence. Kinilig ako. Hindi ko na realize yun. Ang sentence nga pala ay binubuo ng isang subject at isang predicate!
Dalawang minuto ang nalalabi at nagiisip ako ng pwede pang maidagdag. Dinamay ko na si Henry Sy at ang mga tinitinda niyang sapatos noon sa Quiapo. Hindi ko pa nga sure kung sa Quiapo nga talaga, bahala na.
“1 minute.”
Pawis ang aking mga palad. Wari’y pasmado. Hindi ko mapigilang matawa sa isipan ko sa tuwing iaangat ko ang aking ulo at makikita ko ang mga ekspresyon ng mga kaklase ko.
Yung isa akala mo natatae. Yung isa parang magdedeliryo. Yung isa parang espasol, sobrang puti ng mukha ang itim ng leeg. Yung isa wala lang. Tapos ako, nagyayabang, taas noo (at anit) na sumisigaw sa isip na..
“Tang ina ser, hinamon mo ako sa laro ko?”
Natapos ang oras. Narinig ko ulit ang linyang kinaiinisan ng mga walang naisagot at umaasang mapapakopya pagkatapos ng kokopyan.
“Finished or not finished, pass your papers.”
Narinig at nakita ko kung paano nagmura at ngumiwi ang ilan. Ako? Taas noo (at anit), nagyayabang.
Wapak is my name, and writing is my game. Hoorah!