Biyernes, Abril 27, 2012

Punyetang pagibig101: Ang pagkakaroon ng boyfriend/girlfriend ay hindi parang pagkakaroon ng boss o pangatlong magulang. *yung pangalawa kasi, yung teacher mo.*


Relasyon ang pinasok niyo at hindi trabaho. Hindi kailangan ng rules. Kailangan lang, tanggap niyo ang isa't isa.
Dahil unang una sa lahat, wala kang karapatan na baguhin yung karelasyon mo. Gago ka ba? Mahal mo dahil sa kung ano siya. Bakit kailangan mong bahugin kung sino siya?
Alam niyo yung typo na:
Kahit ano ka, kahit ganyan ka, kahit putang ina ka, kahit mabaho paa mo, tanggap kita at mahal kita.
Ang tunay na pagmamahal, hindi nasusukat ng ruler o kung ano pang shits ng standards mo. Hindi mo pinipilit ang pag ibig kaya putang ina ka, pakiusap, wag mong pagbaguhin ang taong mahal mo dahil kapag nagbago yan, magbabago na rin ang pag tingin niya sayo.

Hindi kailan man naging kompetisyon ang pagmamahal. Pero, may mga oras din naman na maaring masabi mo na concerned ka lang sa mahal mo. Katulad na lang siguro na kapag nalaman mong nagyoyosi o madalas na lumaklak ng alak na hindi mo naman ginagawa. Wag mo siyang uutusan. Paalalahanan mo lang siya. Alalahanin mo, kaagapay ka niya, kakampi, hindi ikaw ang leader, hindi ka boss. Patunayan mong may friend sa pagiging girlfriend o boyfriend.

At eto ang pagibig shit ni Wapak.

P.S. Tip sakin ng mahal ko:
Kung may bagay kang gustong gawin habang nasa relationship ka, isipin mo muna na..
kung gagawin niya ba 'to, magagalit ako sa kanya?
Isip > Gawa.

Huwebes, Abril 26, 2012


Ganito kasi yan, kaming mga lalaki, may sarili rin kaming buhay. Hindi naman kasi dahil sinagot niyo na kami, dapat, nandiyan na kami kaagad kapag sinabi niyo kahit napaka imposible.
Wag niyo kaming underin. Masakit sa pakiramdam na maisip namin na inaalipin niyo kami.
Hindi niyo alam kung gaano kahirap magisip ng kung anong ireregalo para sa monthsarry na wala naman sa dictionary. Hindi niyo rin alam kung gaano kahirap magkaroon ng pera na pang date sa inyo. Nagagalit pa nga kayo kapag sinasabi naming kayo na ang sumagot sa pamasahe. At nagagalit kayo kapag late kami ng five minutes, samantalang pag kayo na ang late ng thirty minutes, kayo pa ang galit kapag nagreklamo kami.
Hindi naman kami nanunumbat. Sinasabi lang namin ang nararamdaman namin dahil ayaw namin isang araw, manlamig na lang kami bigla at umalis ng walang paalam sa mga piling niyo.
Importante kayo sa amin kaya wag na kayo magpaimportante pa. 1:10 ang ratio ng lalake sa babae. Kung hindi namin kayo mahal, matagal na naming kayong iniwan dahil sa kakadakdak mo tungkol sa nabuntis mong kaaway nung highschool. Seryoso, mahal namin kayo pero wala kaming pakialam dun.
Ayaw naming nakikitang nakabusangot kayo dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang puso namin sa inyo. Naiintindihan naming fragile kayo masyado pero, please, wag niyo naman kaming sigawan sa harap ng maraming tao. Nakakababaw ng self-esteem at pagkalalake yun.
Wag rin kayong magalit kung paminsan ay aksidente kaming napapatingin sa ibang babae. By chances lang iyon. Hindi tulad ng ginagawa niyo kapag kasama niyo ang mga kaibigan niyo. Hawak niyo na ang kamay namin, naghahanap pa rin kayo ng pogi at maghahagikgikan kayo kapag may naispotan kayo. Nakakaintimidate yun lalo na kapag napapangitan kami sa lalaki.
Lahat gagawin niyo makausap lang kami, lahat gagawin namin makita lang kayo. Okay na sa inyo ang boses pero sa amin kulang iyon. Hindi excuse yung kesyo bawal ka lumabas, bakit, wala bang bintana bahay niyo? At gagawa at gagawa kami ng paraan makita lang kayo, kahit tahulan na kami ng aso niyo o ‘di kaya ay lumabas na yung tatay mong may dala nang baril.
Hindi kami nanunumbat. Hindi namin kayo sinisisi. Sinasabi lang namin ang nararamdaman namin. At alam naman nating lahat na kahit anong gawin naming mga lalaki na dahilan, kayo pa rin ang mananalo dahil hindi namin kayo kayang tiisin at mahal na mahal namin kayo.


Martes, Abril 17, 2012



Naghahanap lang ako ng pang load kanina. Bale, naghanap talaga ako. Nakakita ako, sampung piso.
Hindi sapat. Tangina, bente yung pang unli.
So, lumabas ako ng bahay tapos dumiretso ako sa court. Ang daming tao, parang may liga. Pero nakita ko, walang referee, pero, ang daming tao.
Nakita ko ang tayaan mula sa isang gilid, at nagitla ako sa aking nakita.
Pera. Ang daming pera.
Tuwang tuwa ako sa pinapanood ko dahil sobrang lapit ng laban. Kakilala ko yung isa sa mga naglalaro, at nung last shot na, na foul siya.
Hindi siya makatayo. Kaya, kailangan ng isa pang player. Tinuro niya ako. Nagulat ako, hindi ako ganun karunong. Pero, sinabi niya sakin na tatayo lang ako. Pumayag ako na maging kapalit niya.
Isang minuto na lang ata ang natitirang oras at tatlo ang lamang ng kalaban at nasa amin ang bola, ipinasa sakin at ipinasa ko sa kakampi kong nasa gitna, tumira siya. Shoot.
Hiyawan ang mga tao. Nasa kalaban na ang bola. 30 seconds ang nalalabi at parang sumasayaw sa kakadribble ang kalaban ko. Natapik ko ang bola dahil ang arte niya. Na aagaw ko at itinakbo ang bola papunta sa ring namin. Nung nasa ere na ako para sa lay up, finoul niya ako pero pumasok pa rin ang bola. Lamang na kami ng isa!
Kapag naipasok ko ang bola, convert-and-one ang magagawa ko at highlight ito ng larong ito. Itinira ko. Pasok!
Sampung segundo ang nalalabi. Man-to-man ang depensahan. Naipasa sa binabantayan ko ang bila at itinira niya, pumito ang referee. Foul daw, buti na lang, hindi pumasok. Bale, nakita kong medyo baliko na yung kamay niya sa pagkakapalo ko.
Pumunta siya sa free throw line. Tumira siya. Pasok. Kabado kaming lahat. Kung pumasok man ang susunod na bola, over time at sayang ang chance ko.
Tumira siya. Hindi pumasok at na rebound ng kakampi ko. 
Hinawakan niya ang bola hanggang sa matapos ang laro.
Lumayo ako sa ring at humingi ng maiinom. Pero, hindi ako binigyan ng gatorade. Ang inabot sakin ay ang nakalitrato sa taas.
Tuwang tuwa ako at bigla akong nagising. Wala pa rin pala akong paa. At wala pa rin akong pera. Wala pa rin akong talent at alam kong hindi na ko gagaling.

Martes, Abril 10, 2012

B-Girls: Prologue

Tunay nga na magulo ang mundo. Katulad ko, init na init ako pero ayoko pa rin maligo.


Bale, ako si M. Mariano kasi pangalan ko kaya M na lang itawag niyo sakin. Ang pangit naman siguro na habang nagsesex tayo, isisigaw mo yung Mariano,diba? Baka sumulpot na lang bigla yung lolo ko na kapangalan ko. Sumalangit nawa. Magalit ka pa sakin dahil baka may dala siyang camera at bitinin mo ko sa gitna ng init.

Anyways, bakit nga ba nagkwekwento? Ang pagkakaalam ko, aalis ako ngayon e! Pero sige, para sayo. Itutuloy ko na…

Bale, makikipagkita ako ngayon kay B3. Oo. Codename na lang dahil ang haba ng pangalan niyang Veronica. Oops.

Veronica Gatchalian, 22, 5’8’, Freelance artist, model, taga Valenzuela. Paano kami magkikita? Dadayuhin niya ko rito sa Maynila! In demand kasi kagwapuhan ko at meron akong tattoo kaya astig ako! Woo!

Nagkakilala kami sa isang car show. Ginawa kasi akong driver nung kaibigan ko. Ako na yung nag presenta nung kotse niyang kargado ng sandamukal na speakers, stickers, glow sticks, speakers, lcd screens, ambi lights, speakers, stereo at marami pang iba. Sinuggest ko nga sa kanya na mag pa mount na siya ng machine gun sa bubong. Pag iisipan daw niya.

Dahil aminado naman siyang mahina siya sa pakikipagtalastasan, ako na rin ang kinasosyo niyang magyabang ng oto niya.

Hindi ko rin maintindihan ‘tong kaibigan ko, gusto niyang makilala sa kung anong meron siya, pero, masyado siyang mahiyain. Sa amin lang na mga kaibigan niya eh dun talaga siya nagsasalita. 
Ang dami ko nang nasabi. Basta, nagkakilala kami ni B3 nung nagasgasan niya yung kotse na dala namin nun. (Nagasgasan niya kasi natisod siya habang naglalakad at napangtukod niya yung kamay niyang may suot ng ga-posas na pulseras.) Dahil maganda naman siya, pinalagpas ng kaibigan ko. Pero, ako yung umalalay. Bale sabi ko..
“Miss alam kong hindi ka okay pero gusto mo ba maging okay?”
Natawa siya at abot abot ang paghingi niya ng sorry dahil nagasgasan niya ang kotseng pag aakala niyang akin na inangkin ko na talaga nung tanungin niya sakin kung sa akin yun.
Walang anu-ano ay nakuha ko agad ang number niya. Kung anu-anong pambobola ang ginawa ko at tawa naman siya ng tawa.
At dun kami nagkakilala. Magkwekwento na lang ako mamaya after ng date namin. Alis na ko!

B-Girls: Power ranger (Part 2.A)


Hinubad ko ang t-shirt ko at inihiga ko na siya sa kama. Hinalikan ko ulit siya. Simula sa labi, pababa sa pisngi, sa leeg, sa dibdib, sa tiyan, pababa sa puson at inalis ko na ang pantalon niya.
“Birthday mo ba? Bakit pati ito, pula?” Usisa ko sa suot niyang panty.
Ngunit bago pa man siya mag salita, sinimulan ko nang himurin ng aking mga labi ang kaselanan niya mula sa labas ng kanyang panty.
“Alisin mo na yan!” Utos niya sakin pagtapos ng isang malalim na paghinga.
Inalis ko ang pangibaba niya at ibinuka ko ang mga hita niya. Basang basa ang kanyang hiyas. Sinimulan kong kamayin ang kaselanan niya. At habang nilalaro ko iyon ay hinalikan ko siyang ng mariin sa labi at naglaro ang aming mga dila.
Pabilis ng pabilis ang pagpasok ng aking daliri sa matambok niyang hiyas. Paliyad naman siya ng paliyad habang naghahalikan kami at saglit siyang tumigil para ako ay akapin. Senyales na nakamit niya ang langit.
Sinimulan kong dilaan ang mabango niyang bulaklak.
Nang mahimod ng dila ko ang kanyang mamula-mulang tinggil ay napaigtad siya at sinabunutan niya ako. Idiniin niya ang mukha ko sa pagitan ng kanyang mga hita. Medyo nalunod ako pero masarap naman.
Muli siyang lumiyad at sa pagkakataong iyon, may kasama na iyong sigaw.
“Eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeem! Sigeeeeeee paaaaa!”
Dahil alam kong gusto gusto niya, itinigil ko ng ilang sandali ang paghimod. Napagdiskitahan ko ang dibdib niya.
Sinapo ko ang kaliwa at pinaglaruan ko gamit ang dila ko ang kanan. At habang ginagawa ko yun, inihahanda ko na ang alaga ko para pumasok.
Bumalik ako sa labi niya at hinalikan ko siya. Ibinuka ko ang mga hita niya ng marahan. At habang naghahalikan kami, dahan dahan kong ipinasok ang alaga ko. Dahan dahan hanggang maipasok ko ng sagad.
Nakagat niya ang labi ko dahil dun. Mabuti at hindi ang dila ko ang nakagat niya, baka nagkataong mapalo ko nanaman siya ng malakas kapag nangyari ulit iyon.
Pabilis ng pabilis ang pag ulos ko. Palakas din ng palakas ang ungol niya.
“Malapit na ko.” Bulong niya sakin habang naghahabol ng hininga.
Pinag-igi ko ang pagkadyot at binilisan ko pa iyon lalo. Malapit na rin akong labasan. Kahit nakailang beses na ko sa kanya, masikip pa rin kasi ang puke niya. Isa na rin yun sa dahilan kung bakit binabalik balikan ko siya. (to be continued)

Sabado, Abril 7, 2012

B-Girls: Power ranger (Part 1.A)


Dumating ako sa pagkikitaan naming dalawa. Mga Ala una ng hapon, sa may Trinoma. Magkita daw kami dun sa kapihan na suki siya. Ewan ko kung bakit dun nanaman, pero, pumayag na rin ako kasi treat niya naman eh. At saka, pang ilang beses na rin naman naming date ‘to eh.
As usual, nakashades nanaman ako para hindi halata ang chick hunting kahit magkasama na kami. Nakakahiya naman na masyado kung kasama ko na siya tapos mahahalata niyang nakatingin ako sa legs ng ibang babae. Not cool. Baka hindi ako makaiskor.
“Naka shades ka nanaman. Gago ka.”
Bati niya sakin. Umupo siya sa harapan ko.
Hindi ko siya pinansin dahil may naispatan akong babae. Kinikilatis kong mabuti.
“Huy. Kasama mo na ko! Hello!”
Bati niya ulit sakin habang winawagayway ang kamay niya sa mukha ko.
Inalis ko ang shades ko at tinignan ko siya. Yung tingin na gustong gusto niya.
“Shet. Wag mo kong tignan ng ganyan. Mamaya na!”
Sabi niya sakin.
Napansin kong nakaleather pants siya. Ang init init, leather pants? Pero, parang hindi leather pants. Tapos nakablack na t-shirt. Hindi ko alam kung seryoso siya sa suot niya dahil ang init init sa labas pero ang ganda niya sa porma niya.
Napangiti ako at tinanong ko kung anong gagawin namin. Pero alam ko na naman. Gusto ko lang magmaangmaangang kasi ang sarap lang sa pakiramdam ng tinatanga ang sarili lalo na kung gusto mo ito at masarap din sa pakiramdam minsan na nambibitin.
Tila parang lalong mong ginugutom ang gutom; na nakakaramdam ka ng saya kapag may binibitin ka.
Natawa ako. Tumayo ako at tinanong ko kung magkakape ba muna kami o kami na mismo ang gagawa ng kape.
“Order ka muna. Mamaya na sabi eh! Strawberry frappe sakin ha.”
Umupo ako ulit. At may sinabi ako sa kanya.
“Alam mo ba na gawa sa insekto yung pangkulay ng strawberry frappe dito sa starbucks?”
Tinignan niya ko ng mariin. Nanlisik ang kanyang mata.
“Tangina mo. Bumili ka na dun.”
Natawa ako at tumayo. Binilisan ko ang lakad dahil alam kong nainis siya sa sinabi ko. Nagmukha siyang pusa, oo. Pusa. Pusa na nanlilisik ang mata. Mahilig pa naman ako sa pusa. Dahil ang pusa, kahit minsan mabaho e malambot, masarap.. masarap man lambing.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay at pangtritrip sa barista dahil sinabi ko na ang pangalan ko ay free, nakuha ko na rin ang inorder kong inumin. Sinalubong niya na ko at kinuha niya na sakin ang hawak ko. Natira sakin yung inorder kong kape. Oo, kape. Kailangan maging hyper. Hindi frappe, kape.
Uupo sana ako pero tinawag niya ko bigla.
“Hoy. Anong ginagawa mo diyan? Tara na.”
Nagulat ako. Pero, sumunod na lang ako sa kanya. Tumungo kami sa parking.
“Ano? May dala siyang kotse?”
Pumasok sa isipan ko ang tanong na iyon at sumunod lang ako sa kanya sa paglakad. Napa-wow na lang ako sa nakita ko.
Sinakyan niya ang kulay pulang motor na nakaparada. At hindi lang basta-basta motor, big bike.
Napamura ako sa isipan ko. Naisip ko, magbabackride ako sa isang chick? Holy shit.
I-nistart niya ang motor at tumingin siya sakin.
“Ano pang ginagawa mo diyan? Angkas na. Hawakan mo ‘tong iniinom ko ha. Wag mong bibitawan! Haha.”
Pinaandar niya ang motor. Ako? Wala. Nakatingin ako sa pwet niya habang hawak ko sa kanang kamay ang inumin niya at yung akin e tinapon ko na. Wala akong pang alalay sa sarili ko kung hindi ko pa itatapon yun. Baka mahulog ako tang ina baka hindi pa matuloy.
Dinaanan niya yung helmet niya sa gwardya. Mukha siyang si black ranger pero may boobs. Hindi ko alam kung sino mas mainit e, kung siya o yung panahon.
“Lakas mo ah. Naiwan mo yun dun. Binantayan pa.” Bati ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinarurot niya sa daanan ang bisekleta niya kahit maraming sasakyan sa daan. Tila parang may karera at pinagtitinginan kami ng mga  tao.
Hindi ako makapagconcentrate at kinakabahan ako baka mahulog ako kaya nung nakita kong traffic ay pasimple kong itinapon ang inumin niya at pag andar ay humawak ako sa bewang niya.
Seryoso siya sa pagdridrive at hindi niya napansin ang ginawa ko at ako? Nagdedeliryo.
Nagulat ako sa nilikuan namin.
Yung dating pa sogo sogo lang gamit ang tsikot na hiram, ngayon, pa victo-victoria court na, nakaback ride pa, tapos, babackride ulit mamaya.
Napanganga ako na lang ako dahil ang kwento sakin ng mga kaibigan ko, mahal dun. Eto pa namang si B3 kapag nagmomotel kami, inaabot kami ng isang araw, minsan, sobra pa. Pero, buti na lang usapan namin siya ang taya.
Pagpasok namin, as usual, dire-diretso kami sa elevator. Siya na mismo ang pumindot.
“Bakit walang bellboy?” Tanong ko sa kanya.
Natawa siya.
“Gago. Hotel ‘to.”
Hotel, motel. Tang ina, parehas lang yun. Parehas lang naman gagawin namin e.
“Bakit walang thirteenth floor? Bakit palaging walang thirteenth floor?” Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sakin habang kinakagat ang labi niya.
Dumating kami sa third floor. At pagpasok namin sa room 6, napa wow ako, ulit.
image
Hindi ko alam kung anong meron sa kulay pula at itim pero yun ang peg niya ngayong araw.
Agad akong dumapa sa kama at niyapos ang mga unan. Pagkatihaya ko, nasa paanan ko siya.
Unti-unti niyang hinubad ang t-shirt niya at tumambad sakin ang boobs niya na natatakpan ng kulay pula niyang bra.
“Nics, anong meron sa kulay pula? Seryoso.” 
Hindi niya nanaman sinagot ang tanong ko. Sinunod niyang alisin ang pagkakabutones ng pantalon niya, pero bago pa man niya maibaba ang zipper nun ay hinatak ko na siya papalapit sakin at kaagad ko siyang hinalikan sa labi.
May katagalan ang ginawa kong pagsibasib sa mapula niyang labi. Pumatong siya sakin at inalis niya ang bra niya. Inabot ko ng kamay ko isa niyang dibdib at nilamas iyon. Napakagat labi nanaman siya at kumislot ang alaga kong kasalukuyan niyang inuupuan.
Umupo ako at sinimulan kong paglaruan ang kanan niyang dibdib gamit ang aking dila at nilaro ko ang mala-makopa niyang utong. Umungol siya. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at bahagyang sinabunutan niya ang buhok ko.
Habang ginagawa ko iyon ay umuugoy ang bewang niya. Wari’y sumayaw kaso, walang tugtog. Gumigiling.
Hinubad ko ang t-shirt ko at.. (to be continued)
image
Eto nga pala si B3.