Huwebes, Disyembre 13, 2012

Ang unang sigaw ng pugad ni lawin (true love life story ni Wapak)

Biyernes. Dapit hapon. Alas kwatro y Medya. Maalinsangan. Limang araw matapos ang araw ng mga puso.

Naglalakad ako patungo sa bilihan ng mga bagay na pwedeng gawing palamuti para sa scrap book na pinapaproject sa amin ng aming pilay na guro. Kung hindi makakapag pasa, bagsak ka sa Filipino na itinuturo niya sa amin.

El filibusterismo nga pala ang magiging laman ng scrap book ko. Ibubuod ang bawat kabanata at mag lalagay  ng mga aral na natutunan sa kabanata. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang pahirapan ang mga estudyante sa hayskul sa pamamagitan ng mga proyektong tulad nito. Marahil gusto ng mga guro na matuto ang mga estudyante nang hindi sila nagtuturo ng maigi. O baka ganito lang talaga dahil sa public school ako nag aaral.

El fili lang halos laman ng utak ko ng mga oras na iyon. Wala sa isip ko ang syota kong umuwi na dahil komo galit sakin dahil may ginawa nanaman daw akong kagaguhan. Mayroon akong kasama noon. Kaklase at kalapit ko ring kaibigan na madalas ko kasamang mag cutting. Bibili rin siya ng mga bagay na ilalagay niya para sa scrapbook.

Nagtataka lang ako. Bakit tinawag na "scrapbook" ang scrapbook kung ang nilalagay dun ay binibili para gumanda ang laman? Scrap nga tapos maganda? Edi dapat magaling ang mga basurero at mga nangangalakal ng bakal at plastik sa "scrap booking" dahil sila ay may talent sa pagtingin ng mga mapakikinabangang scrap.

Nakarating kami sa pintuan ng tindahan. Akmang hahawakan ko ng pinto ng bigla itong bumakas. Tinamaan ang kamay ko kaya nagmadali na lang akong pumasok.

Alam kong nabangga ko ang nagbukas ng pinto sa pagpasok ko. Nagulat na lang ako nang biglang may humili sa buhok ko. Lumingon ako. Akala ko yung kasama ko ang gumawa sakin dahil kung sakali ay maliligo siya ng mura mula sakin.

Nakita ko ang nabangga kong "ate" . Nagsusungit sa kasama ko habang inaabot niya sa kanya ang mga nahulog na gamit na hawak niya.

Base sa uniporme at dala niya; Tube na itim, lalagyan ng T-square, architecture ang course niya. Pagkatapos kong mapansin iyon dalidali akong pumasok paloob sa tindahan dahil nakita kong may sumunod sa kanyang tatlo lalaki. Kahit sabihin mong papayat payat sila, malaki sila sa akin para sa taas kong... sabihin na lang natin na kasing taas ko ang taas ni "ate".

Pumasok ang kaibigan ko at sabi niya sakin..

"Gago ka talaga."

Ngumisi lang ako. Sinundan ko lang ng tingin si "ate."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento