Miyerkules, Hulyo 18, 2012

"And with your spirit."


Hindi ko magets kung bakit kailangan palitan ng simbahan yung mga isasagot sa mga sasabihin ng pari. Katulad ng title nito.
Eh diba, ang kailangan lang naman sa isang dasal ay ang magiging masinsin nito? 
Ito ang hindi ko magets sa relihiyong kinabibilangan ko e. Nararamdaman ko na gusto nilang pag usapan lang sila lalo para maipasak ulit sa mga kukote ng tao na superyor ang katolisismo. Na ito ang pangunahing relihiyon sa mundo. Pero, paano mo nga ba maitatanim ang isang buto sa lupang konkreto?
Blasphemy raw kung tutuusin ang pambabatikos sa mga sinabi/sinasabi ng bibliya. Pero, anong magagawa ng isang taong naguguluhan? Hindi ba’t, magtatanong? Tapos, kapag nagtanong, kasalanan na agad? Na, kapag nagtanong, walang paniniwala? Walang  faith?
Maiba tayo. Ipasok natin ang nangyari kay St. Joseph na kasintahan ni Mary na kalaunan na naging ina ni Hesus.
Ikaw ba, bilang isang lalaki na nagmamahal ng tapat sa babaeng napagdesisyunan mong wala kang gagawin habang hindi pa kayo kasal, anong mararamdaman mo kung may isang araw, may kumatok sa pinto mo at sinabi sayong..
“Pare, wag kang malulungkot. Buntis ang asawa mo. At ang presidente ang ama! Wag kang malulungkot. Dapat nga, maging proud ka pa kasi ikaw ang magiging ama ng anak ng presidente!”
Hindi ka ba masasaktan nun? Hindi ba’t, parang ganun ang ginawa ng anghel na nagbalita kay Maria na buntis siya? At, pansinin niyo, Santo si Joseph at ni minsan, wala siyang nasabi sa bibliya. Kahit simpleng “Ha?” “Ano?” “What the fuck?”.
Hindi ba napansin ng mga tao yung kwento tungkol sa pasko, na simpleng pang gagago yun?
Hindi ko alam kung paano tatapusin ‘to dahil marami pa ring gumugulo sa isipan ko. Pero, eto, tatapusin ko sa pamamagitan ng isang tula ni Jose F. Lacaba.
The Sacred Passion of Saint Joseph
Chisel, plane and hammer,
listen, I’ll whisper
my bitter secret: though
I’ve never whatchamacallit her,
my girlfriend’s pregnant.
An angel tells me there’s nothing
for me to be ashamed of,
there’s no reason to cry;
in fact, I’m supposed to be glad
because my girl’s been raped by God.
Hammer, plane and chisel,
is anger allowed to
a carpenter? Suffer in silence.
The weak and the small,
I hear, are no match for heaven.
(I know this is blasphemous and I might be sent to hell for this, but, I have to.)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento