"Itanan mo nga ko."
Yan yung mga salitang naging dahilan kung bakit naging hysterical ako nung araw na yaon.
Akala ko, handa ako sa lahat ng bagay pero nung nabasa ko yun sa chatbox naming dalawa, nalaman ko na hindi papala. Hindi pa ako handa. Hindi ako kailan man naging handa.
Nagdadalawang isip ako kahit gusto kong gawin yung pinapagawa niya sakin. Ang daming tanong ang pumasok sa isipan ko pero isa lang ang pinaka tumatak:
"Saan kita dadalhin?"
Sinabi ko sa kanya na, oo, gusto kitang itanan pero, wala akong pera. Pero, hindi talaga pera ang problema.
Ang problema ay yung mga matang makakakita. Yung mga dilang magsasabi ng kung ano ano. Ang mga damdamin na hindi sasangayon.
Wala akong magawa kaya hindi ba't sinuggest ko sayo na bakit hindi sa kanya ka magpatanan? Tutal, marami siyang pera at surebol na mas mahal ka niya kesa sa pagmamahal kong hindi ko maipakita. Sabi mo, ayaw mo. Sabi mo, masyado siyang mapera. Yun ang sabi mo.
Sabi ng kumakalam kong puso, ang gago ko masyado para i-suggest ang bagay na iyon. Sabi ko naman sa kanya, sakripisyo rin. Hindi ko siya kayang isugal. Alam ko kung ano nag kapasidad ko bilang anak ng mundo at hindi pa ako handa.
Natapos ang usapan natin. Pumunta ako agad sa terrace at nagsindi ng yosi. Nagisip ako ng mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ako pwedeng maging tahasan sa pagplaplano. Dahil kapag nahuli tayo, ikaw ang mananagot. Hindi ako. Okay lang na saktan niya ako, pero hindi okay sakin na sasaktan ka nanaman niya, nila.
Napabuntong hininga ako at dinukot ko ang mumunti kong telepono sa bulsa ko. Tinawagan ko yung kaibigan ko na sa sobrang maimpluwensya, nagiging bakal ang pera at magnet siya.
Dalhin raw kita sa probinsya sabi niya. Siya na raw ang bahala sa lahat kapalit ng kabayanihang nagawa ko para sa kanya.
Lagpas milky way ang pasasalamat ko sa kanya. Kung kaya't nung gabing iyon, nagimpake ako at itinago ko ang naipon kong hindi kalahakin pero makakabuhay sa atin ng mahigit sa isang linggo. Sa sobrang pagkaexcite, hindi ako makatulog kaya na late ako kinabukasan sa pasok ko.
Pauwi ako nang maisip ko na kapag ginawa na natin 'to, walang atrasan. Laban kung laban. Naisip ko rin na kung gagawin ko 'to, anong mararamdam ng nila mama? Nila papa? Ng mga kapatid ko? Kung kaya't pag uwi na pag uwi ko, gumawa ako kaagad ng sulat. Sulat na magsasabi sa kanila na itinanan kita. Na babalik ako. Na patawad dahil hindi ko matatapos ang pag aaral ko.
Dumating ang gabi. Hinihintay kitang mag online para sabihing pulido na lahat. Sa sobrang excitement ko, ang dami kong nagawa. Ang dami kong nabahagian ng saya ko. At kilala mo ako kapag masaya. Akala mo lumalandi ako pero hindi. Ikaw ang mahal ko. Seryoso ako. Mahal kita at hindi kita ipagpapalit.
Biglang nag pop out ang isang mensahe mula sayo. Pagkabasa ko nun ay gusto ko pumatay ng tao. Pulido na lahat. At ano nga ba ang sabi mo?
"Hi. Gusto ko lang sabihing wala ka ng pag-asa. Kaya tama na. Wag ako. Maraming babae dyan. Basta, wag ako. Wala na. Okay? Yun lang. Ge."Ramdam ko sa dibdib ko ang pagkakabiyak ng kakarampot kong puso. Ayaw kong umiyak. Hindi, gusto kong umiyak. Pero, hindi ako maiyak.
Gusto kong magwala. Mag amok. Manaksak ng mga oras na iyon pero kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng isang bote ng beer. Nakita ko ang sarili kong nilalagok itong straight. Matagal akong nakatulala pagkatapos nun at naalala kong may latak pa akong damo na natira.
Natapos ang sinindihan kong joint at nakatulog ako. Ang sama lang dahil nakatulog ako at hindi ko na enjoy ang impluwensya ng ganja sa kaluluwa ko.
Uminom ako ng tubig. Nagsipilyo at nag hilamos. Tumunog ang telepono ko.
"Ano pare? Anong oras kaya pupunta dun? Ipapahanda ko na yung susundo sa inyo."Nagtext ang kaibigan ko. Sinabi ko sa kanya ang nangyari. Nagreply siya.
"Yan ang gusto ko sayo e. May bayag ka. Pero, sayang. Sige. Sa susunod."Nagpasalamat ako at natulog. Kinabukasan, late nanaman ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento