Sabado, Pebrero 4, 2012

Hindi sapat ang mga salitang naisulat, naimbento, nagawa at nahinuha ng mga pilosopo ang nararamdaman ko para sayo. 

Hindi rin sapat ang habangbuhay sa piling mo, dahil iba ang sayang dulot ng pagibig mo. Ito yung tipo ng saya na nagpapangiti sakin kahit ako mag isa, tawagin man nila akong baliw, okay lang. Totoo naman kasi baliw ako sayo, diba?

Sabi nila, mukha raw akong drayber kapag kasama kita. Sabi ko, hindi ba nila alam na ikaw yung drayber? Coz you're driving me crazy.

At kung papalarin, sa susunod na buhay, ikaw pa rin ang aking iibigin.

Hindi ko alam na may astronomer pala sa pamilya niyo. Hamakin mong naglihi sa bituin ang nanay mo at napunta sa mga mata mo. 

Buti na lang at inalis mo na yung braces mo, patunay na legal na tayo sa pamilya mo dahil wala na silang binabakuran at saka, baka sumabit sa labi ko kapag nag "mwua mwua tsup tsup happy birthday bossing" na tayo.

Mahal kita. Papalag ka pa ba? May mahal papala akong isang babae, yung magiging anak natin!

Hindi ko alam kung paano tatapusin ang mga tinuran ko, katulad ng pagibig sayo, walang katapusan 'to.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento