Naghahanap lang ako ng pang load kanina. Bale, naghanap talaga ako. Nakakita ako, sampung piso.
Hindi sapat. Tangina, bente yung pang unli.
So, lumabas ako ng bahay tapos dumiretso ako sa court. Ang daming tao, parang may liga. Pero nakita ko, walang referee, pero, ang daming tao.
Nakita ko ang tayaan mula sa isang gilid, at nagitla ako sa aking nakita.
Pera. Ang daming pera.
Tuwang tuwa ako sa pinapanood ko dahil sobrang lapit ng laban. Kakilala ko yung isa sa mga naglalaro, at nung last shot na, na foul siya.
Hindi siya makatayo. Kaya, kailangan ng isa pang player. Tinuro niya ako. Nagulat ako, hindi ako ganun karunong. Pero, sinabi niya sakin na tatayo lang ako. Pumayag ako na maging kapalit niya.
Isang minuto na lang ata ang natitirang oras at tatlo ang lamang ng kalaban at nasa amin ang bola, ipinasa sakin at ipinasa ko sa kakampi kong nasa gitna, tumira siya. Shoot.
Hiyawan ang mga tao. Nasa kalaban na ang bola. 30 seconds ang nalalabi at parang sumasayaw sa kakadribble ang kalaban ko. Natapik ko ang bola dahil ang arte niya. Na aagaw ko at itinakbo ang bola papunta sa ring namin. Nung nasa ere na ako para sa lay up, finoul niya ako pero pumasok pa rin ang bola. Lamang na kami ng isa!
Kapag naipasok ko ang bola, convert-and-one ang magagawa ko at highlight ito ng larong ito. Itinira ko. Pasok!
Sampung segundo ang nalalabi. Man-to-man ang depensahan. Naipasa sa binabantayan ko ang bila at itinira niya, pumito ang referee. Foul daw, buti na lang, hindi pumasok. Bale, nakita kong medyo baliko na yung kamay niya sa pagkakapalo ko.
Pumunta siya sa free throw line. Tumira siya. Pasok. Kabado kaming lahat. Kung pumasok man ang susunod na bola, over time at sayang ang chance ko.
Tumira siya. Hindi pumasok at na rebound ng kakampi ko.
Hinawakan niya ang bola hanggang sa matapos ang laro.
Lumayo ako sa ring at humingi ng maiinom. Pero, hindi ako binigyan ng gatorade. Ang inabot sakin ay ang nakalitrato sa taas.
Tuwang tuwa ako at bigla akong nagising. Wala pa rin pala akong paa. At wala pa rin akong pera. Wala pa rin akong talent at alam kong hindi na ko gagaling.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento