Lunes, Nobyembre 19, 2012


So, nakita ako ng prof ko kanina sa (tang ina di ko alam kung anong subject yun basta rooms division ata ewan basta may design ekek) na nagkakalikot ng phone ng may phone.
Tinanong niya kung ano yung ginagawa ko.
“Naglalaro ako ng logos quiz, ser.”
Gusto ko sana sabihin. Pero, ramdam ko na bad vibes siya kaya binigyan ko siya ng Generic na sagot.
“Nagnonotes po sir.” Sabay turo sa whiteboard.
Hindi daw ba pwedeng sa papel na lang daw ako magsulat. Buti na lang, hindi siya lumapit para tignan na nagnonotes nga ako sa phone ng may phone.
Pagtapos nun, nakita niya ako ulit, nakangiti dun sa may ari ng phone. Naimbyerna nanaman ang lola mo~ Isa na lang daw.
All throughout the discussion, nakinig naman ako sa kanya at nakasagot naman ako sa tanong niya sakin bago pa ko mangalikot ng phone ng may phone. Hanggang sa nakita niya yung mga katabi ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila pero nagalit yung prof naming beki.
Tinawag niya yung isa at tinanong niya kung ano yung ginagawa niya sa upuan.
“Nagsusulat ser. Ng notes”
Sa isip isip ko, “‘tang inang ‘to, gaya gaya.”
“Tska nakikinig ser.”
Dagdag niya.
Tinanong siya ng bagay na kasama sa lecture ng prof namin at di siya nakasagot. Mga limang minuto siyang nakatayo sa tabi ko. Hanggang sa.. *dun dun, dun dun, dun dun.”
“Get one whole sheet. Sagutin niyo ang tanong na ito. Why and how can you use Planning? Minimum of 15 sentences. Kapag nagkulang ng isa, zero ang score.”
Natawa ako. Bakit? Dahil una: Essay writing? Hinamon niya kami sa essay writing? Eh shit ko ang writing! At pangalawa: Nakinig kaya ako.
Nagsimula ako agad sa pagsulat ng shit ko at naalala ko ulit ang words of wisdom sa akin ng paborito kong english teacher nung highschool..
“When writing an essay, you should start with a good intro and a good closing sentence. Don’t start an essay with “Because” that will sound like bullshit.” Actual words (Joke lang, dinagdag ko lang yung because kasi nalimutan ko kung ano yung sinabi niya talaga na tunog bullshit)
Sinimulan ko yung paragraph ko ng “Being a…” at tuloy tuloy lang ako sa pagsulat hanggang makaabot ako sa bandang babang dulo ng papel at nakita ko ang prof namin na nasa tabi ko.
“Anong pangalan mo?” Sumagot ako. Tapos tinanong din yung mga kasama ko sa linya ng upuan. Ako? Sulat pa rin.
Bumalik siya sa kinauupuan niya at nagpautot pa ulit siya.
“Marcos.. Garcia.. (Yung apilido ng iba) galingan niyo yang essay niyo.”
Natawa nanaman ako. Bakit? Kasi, isang sentence na lang, tapos na ko! Yung iba, naghihikos pa sa pagsulat.
Nakita ko na nakatingin siya sakin at alam ko na alam niya na alam ko na nakita ko siya. Nasa bandang gitna na nga pala ako ng papel at nagputot nanaman siya.
“5 minutes.”
Ang pinaka generic na panakot ng propesor sa mga istudyanteng nakikitang niyang nakatingala, lumilingalinga at sa mga mukhang (tulad ng sakin) naabalibadbaran siya.
Imagine, kalbo ako, nakatingin ako sa papel ko at galit na galit ako sa papel ko at patuloy lang ako sa pagsulat. Ramdam niya na hindi siya threat para sakin. Natatakot siya na baka maisubo niya pabalik sa kanya yung mga pananakot na ginagamit niya sa mga normal na estudyante. Malas niya, abnoy ako.
“2 minutes.”
Pananakot niya.
Nung mga oras na iyon, nasa ika-labing apat na linya na ako ng sinusulat ko. Pero sabi niya, iba raw ang linya sa sentence. Kinilig ako. Hindi ko na realize yun. Ang sentence nga pala ay binubuo ng isang subject at isang predicate!
Dalawang minuto ang nalalabi at nagiisip ako ng pwede pang maidagdag. Dinamay ko na si Henry Sy at ang mga tinitinda niyang sapatos noon sa Quiapo. Hindi ko pa nga sure kung sa Quiapo nga talaga, bahala na.
“1 minute.”
Pawis ang aking mga palad. Wari’y pasmado. Hindi ko mapigilang matawa sa isipan ko sa tuwing iaangat ko ang aking ulo at makikita ko ang mga ekspresyon ng mga kaklase ko.
Yung isa akala mo natatae. Yung isa parang magdedeliryo. Yung isa parang espasol, sobrang puti ng mukha ang itim ng leeg. Yung isa wala lang. Tapos ako, nagyayabang, taas noo (at anit) na sumisigaw sa isip na..
“Tang ina ser, hinamon mo ako sa laro ko?”
Natapos ang oras. Narinig ko ulit ang linyang kinaiinisan ng mga walang naisagot at umaasang mapapakopya pagkatapos ng kokopyan.
“Finished or not finished, pass your papers.”
Narinig at nakita ko kung paano nagmura at ngumiwi ang ilan. Ako? Taas noo (at anit), nagyayabang.
Wapak is my name, and writing is my game. Hoorah!

Miyerkules, Nobyembre 7, 2012


Gusto ko lang mang lait.

Disclaimer: Photo not mine but the edit is mine. It's all mine! Buwahahaha

Martes, Nobyembre 6, 2012



Taken at Taken 2 na tampok si Liam Neeson bilang Bryan Mills na isang retiradong ahente CIA (Central Intelligence Agency) na napagtripan ang kanyang dalagitang anak na si Kim.

Pagod na ako magpaliwanag. Hihintayin ko na lang sa GMA o kung saan man ang tagalog version nito.